-- Advertisements --
BBM proclamation House

Pormal nang naproklama si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 presidente ng republika ng Pilipinas ganon din ang kanyang runningmate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Pasado alas-6:00 ng gabi nang madeklara ng Kongreso na tumayong National Board of Canvassers sina Marcos at Duterte bilang mga nanalo sa nakalipas na halalan.

Si Marcos na kumandidato sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas ay nakatipon ng 31,629,783 votes sa official tally sa presidential elections.

Habang ang presidential daughter ay tumanggap naman ng boto ng kabuuang 32,208,417.

Naging makasaysayan din ang canvassing bunsod ng wala na ring mga karibal na mga abogado ng mga kalabang kandidato ang humarang pa sa proseso sa Kongreso.

Sara duterte VP House