Nagbabala ang OCTA Research Group na maaaring aabot sa 5,000 hanggang 10,000 bagong kaso ng Covid-19 kada araw sa bansa kapag makapasok ang bagong omicron variants.
Ayon kay Guido David, ang BA.4 at BA.5 ay nagdulot ng surge sa South Africa habang ang BA.2.12 ay nasa likod ng pagtaas ng mga kaso sa New Delhi, at ang BA.2.12.1 ay binubuo ng 90 porsiyento ng mga kaso sa US.
Dahil dito, nagpaalala si David sa publiko na ito ay malamang na magiong “mild” para sa mga taong nabakunahan ngunit ito ay maaaring hindi “mild” naman para sa mga taong hindi nabakunahan o sa mga may comorbidities.
Maraming mga factors ang dapat bantayan tulad ng mas madaling maililipat na mga variant, pagbaba ng pagsunod sa pinakamababang pamantayan sa kalusugan, paghina ng kaligtasan sa sakit, at pagtitipon ng masa dahil sa paparating na halalan na maaaring humantong sa pagtaas ng mga kaso.
Napag-alaman na sa kasalukuyan, nasa 12.7 million katao na ang nakatanggap ng booster shot.