DAGUPAN CITY – Naiproklama na si Arth Bryan Celeste bilang alkalde ng lungsod ng Alaminos.

Nakapagtala si Celeste ng 22,498 na boto dahilan para matalo ang dalawang katunggali sa pagka-alkalde sa nagdaang 2019 midterm elections.

Dating nagsilbi ito bilang chairman ng Barangay Magsaysay at presidente ng Liga ng mga Barangay.

Si Celeste ang pinakabatang alkalde sa bansa na may edad 21. Nagtapos siya ng business entrepreneurship sa De La Salle University.

Ayon kay Celeste, magiging sentro ng kanyang mga programa ang mga kabataan para makatulong sa kanilang pag-unlad at maging matagupay sa bawat larangan na kanilang tatahakin.