-- Advertisements --
Nag-abiso ngayon ang Pagasa para sa panibagong malalakas pag-ulan na mararanasan sa Mindanao, dahil sa namataang low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 240 km sa silangan timog silangan ng General Santos City.
Sa ngayon, maliit ang tyansa ng LPA na maging bagyo sa loob ng susunod na mga araw.
Maliban dito, magdadala rin ng ulan ang cold front sa Eastern Visayas.
Habang hanging amihan naman ang magdudulot ng malamig na temperatura sa Luzon, kasama na ang mga pag-ulan na aabot hanggang Visayas area.
















