Reading Time: 1 minute

DAVAO CITY – Parang gumuho ang mundo ng isang traysikad driver na inakusahan sa krimeng murder na hindi naman daw niya ginawa.

Si alyas Arnel, na mahigit isang taon ding nakakulong sa Davao City Jail matapos hulihin noong Nobyembre 2, 2017, ay pinakawalan nitong Martes, Agosto 20, dahil hindi na dumadalo sa paglilitis ang nagsilbing saksi sa krimen.

Kahapon ay umuwi si Arnel sa kanilang bahay sa Gempesaw St., Uyanguren, Davao City ngunit nabigla matapos madiskobre na ang kanyang asawa na si alyas Judith ay may iba nang kinakasama at may anak na sila at kasalukuyang buntis.

Ayon kay Arnel, tatlo ang kanilang anak ni Judith na edad 16, 18, habang walong taong gulang ang bunso.

Nasa Kidapawan sa bahay ng mga magulang ni Judith ang dalawa nilang mga anak ni Judith.

Dumulog sa Sta. Ana Police Station si Arnel at inireklamo ang kanyang misis gayundin ang lalaking kinakasama nito.