
Mariing inihayag ni dating Land Transportation Office (LTO) chief Teofilo Guadiz III na handa siyang harapin ang mga hamon na hatid ng kanyang bagong posisyon bilang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Itinalaga si Guadiz bilang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ni Pangulong Marcos na kung saan pinasalamatan din niya sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong muling magsilbi sa bansa, partikular sa road transport sector.
Dagdag dito, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang appointment paper para sa Guadiz noong Disyembre 9.
Pinalitan siya ni assistant secretary Jose Arturo Tugade noong nakaraang buwan bilang LTO chief at hinirang na assistant secretary para sa Road Transport and Infrastructure sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Una na rito, matagal tagal na din umanong walang chairperson ang LTFRB na mangunguna at mamamahala sa mga ginagampanan ng ahensya para sa ating bansa.