Pinalawig pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang listahan ng mga pandemic goods na hindi kabilang sa mga produktong papatawan ng value added tax (VAT).
Kabilang na dito ang mga bagong set ng devices na gagamitin sa paggamot sa COVID-19.
Sa Revenue Memorandum Circular (RMC) 66, in-endorso ng BIR ang mungkahi ng Food and Drug Administration (FDA) na bigyan ng VAT exemptions ang naturang mga device dahil mahalaga anila ito sa paggagamot sa mga pasyenteng nahawaan ng nasabing virus.
Kabilang sa exempted list ng BIR ay ang air purifying respirators, negative-pressure steridomes, individual biocontaminant units, airway domes, negative-pressure respiratory systems, patient isolation transport unit devices, airborne isolation hood devices, continuous positive airway pressure circuits, intermittent positive pressure breathing devices, remote or wearable patient monitoring devices, patient isolation transport units, and symptom screening tools.
Inalis naman bureau mula sa kanilang listahan ang mga medical gas cylinders for oxygen, at gayundin ang mga oxygen tank.
Ang naturang exemptions ay awtorisado ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Samantala, papatawan naman ng 12% na VAT ang mga non-exempt imported equipment, pati na rin ang iba pang pandemic goods.