-- Advertisements --

Simula ngayong araw, October 26, maglalabas ang Department of Health (DOH) ng bagong format ng case bulletin na naglalaman ng mga datos ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dumaan naman sa konsultasyon ng ilang opisyal at survey ang pagbabago sa format ng kanilang reporting sa COVID-19 cases ng bansa.

“Gumawa kami ng focus-grouped discussions so that we would be able to revise it appropriately para maintindihan ng ating mga kababayan.”

Wala raw dapat ikabahala rito ang publiko dahil wala namang inalis na mahahalagang impormasyon ang ahensya tungkol sa pinakabagong sitwasyon ng coronavirus sa Pilipinas.

“Lahat naman ng impormasyon na importante ay nandoon pa rin sa case bulletin. We just streamlined it, we shortened it.”

“We revised it in such a way na iikli ng tondo, magiging one page na lang siya. Its going to be handy, even in your mobile phones pag binuksan niyo, yung page na lang na ‘yun makikita niyo.”

Magiging maikli man ang bagong case bulletin format, pero maaari pa rin daw makita ng publiko ang iba pang datos sa iba pang publication ng DOH.

“Yung ibang impormasyon na hindi makikita doon, we would still find it in other publications like the NCoV tracker, situational reports and other publications na mayroon tayo.”