-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 1,766 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang 2,591 na gumaling at 239 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.3% (37,159) ang aktibong kaso, 97.1% (2,714,658) na ang gumaling, at 1.57% (43,825) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 2, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.