Halos domoble ang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila noong Disyembre 22, pero nananatiling mababa pa rin sa 100, ayon sa OCTA Research group, base sa datos mula naman sa Department of Health (DOH).
Nakasaad sa listahan na ibinahagi ni OCTA research fellow Dr. Guido Davis na ang Metro Manila ay mayroong 80 na bagong COVID-19 infections kahapon, halos doble ng 47 new cases na naitala noong Martes, Disyembre 1.
Sinundan ito ng Zamboanga del Sur na mayroong 12 bagong COVID-19 cases, Rizal na may 11; Pangasinan na mayroon ding 11; Cavite na may siyam; Negros Occidental, Bulacan, Isabela at Laguna na pawang may tig-pito.
Ang South Cotabato, Davao del Sur, Iloilo at Davao del Norte naman ay pawang may tig-anim na bagong COVID-19 cases habang ang La Union at Tarlac ay kapwa ay limang bagong infections.
Samantala, pagdating sa mga individual local government units, ang Lungsod ng Maynila ang may pinakamaraming bilang ng bagong COVID-19 cases noong Disyembre 22, na sinundan ng Quezon City,