Suportado ng bagong Commission on Elections (Comelec) commissioner na si George Garcia ang panawagan ng grupo ng mga guro na huwang nang patawan ng buwis ang mga poll workers na magseserbisyo sa May 9 elections.
Sa isang panayam sinabi ni Garcia na sang-ayon daw ito sa demands ng mga guro pero hindi raw ang komisyon dito ang magdedesisyon.
Aniya, nararapat lamang na suportahan ang panawagan ng mga guro pero wala sila sa posisyon para pagdesisyunan ang naturang bagay.
Pero nangako naman itong kaisa siya sa magpapanawagang ilibre na sa buwis ang mga poll workers para sa national at local elections.
Kung maalala, aprubado na ng House of Representatives sa kanilang ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9652 na naglalayong maitulak ang exemption.
Pero kailangan pa itong talakayin ang panukalang batas na inakda ng ACT Teachers party-list.
Kahapon nang nagsagawa ang ACT Teachers party-list ng protesta sa labas ng Comelec main office sa Manila para ipanawagang huwag nang buwisan ang honoraria ng mga gurong magsisilbi sa halalan.
Umaasa naman si Jocelyn Martinez, ACT-NCR union president na pagbibigyan ng pamahalaan ang kanilang hirit na hindi na dapat patawan ng 20 percent tax ang mga guro.