-- Advertisements --

Kinumpirma ng Iranian government na ang nasirang gusali sa Natanz nuclear site ay ang bagong gawa na centrifuge assembly center sa bansa.

Una nang pinaliit ng gobyerno ang nangyaring sunog na nagsimula noong Huwebes dahil isa lamang daw itong insidente at tanging industrial shed lang ang naapektuhan,

Subalit base sa inilabas na mga larawan ng Iranian state television, makikita na mayroong scorch marks ang dalawang palapag na gusali at bahagyang nasira ang bubungan nito.

Ayon kay Behrouz Kamalvandi, tagapagsalita ng nuclear agency, sinimulan umano ang pagtatayo sa nasabing gusali noong 2013 at binuksan naman noong 2018.

“More advanced centrifuge machines were intended to be built there,” saad nito. “The damage would “possibly cause a delay in development and production of advanced centrifuge machines in the medium term.”

Dagdag pa nito, nasira din ng sunog ang ilang precision at measuring instruments sa nuclear site at matagal na rin daw itong hindi nag-ooperate dahil sa ilang restrictions na ipinataw ng Tehran’s 2015 nuclear deal. Dahil dito ay sinimulan ng Iran na mag-experiment ng advanced centrifuge models kasabay ng pagtalikod ng Estados Unidos sa naturang kasunduan, dalawang taon na ang nakararaan.