-- Advertisements --
Inilabas na ng United Kingdom ang bagong British coins na may mukha ni King Charles.
Makikita sa nasabing 50 pence coins ang mukha ni King Charles III.
Nakaharap ito ng kaliwang bahagi sa namayapang ina nito na si Queen Elizabeth II.
Magsisimula itong mag-circulate ngayong buwan.
Ang official portrait ay inaprubahan mismo ni King Charles na ito ay gawa ng Britsh sculptor na si Martin Jennings.
Nasa 27 bilyon na coins na may imahe ni Queen Elizabeth ang umiikot ngayon sa UK at inaasahan na ito ay hindi na magagamit sa mga susunod taon.