Isang bagong Maharlika Investment Fund ang iprinisenta ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa potential investors sa ginanap na World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ito ang ibinahagi ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa isang panayam.
Ayon kay Salceda, siya at tatlong iba pang mambabatas ay naatasan na i-rewrite ang MIF proposal.
Isa aniya sa pagbabago mula sa House Bill 6608 na ipinasa ng Kamara ay hindi na gagamiting kapital ang dibidendo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas at “real surpluses” na aniya ang gagamitin tulad ng sa isang tradisyunal na sovereign wealth fund.
Masaya naman si Salceda na sa kabila ng pagtutol ng mga kritiko sa ginawang “soft launch” ng Pang. Marcos Jr. ng MIF sa WEF ay positibo ang naging pagtanggap ng mga investors sa bagong MIF.