-- Advertisements --

Hindi naniniwala si Sen. Richard Gordon na kailangan pa na ng isang bagong batas para lamang matutukan ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad katulad ng pagputok ng Bulkang Taal.

Iginiit ni Gordon na hangga’t sa natitiyak namang wasto ang paggagit sa pondo ng pamahalaan sa tuwing mayroong kalamidad ay hindi na kailangan pa ng panibagong batas para rito.

“Ang local government meron silang calamity fund, dapat sila mismo ang nag-aayos,” saad ng kongresista.

Sinabi ni Gordon, na chairman din ng Philippine Red Cross, nakapagbigay na rin ang kanilang organisasyon ng iba’t ibang uri ng tulong sa mga indibidwal na apektado nang pagputok ng Bulkang Taal, tulad na lamang ng water tankers, food trucks, food at non-food items, at marami pang iba.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin siya sa international chapters naman ng Red Cross upang mabigyan ng pabahan ang mga biktima na wala nang bahay na babalikan pa kasunod ng pag-alburuto ng Taal.

Samantala, bagama’t nagpapatuloy pa rin ang relief efforts para sa mga biktima ng aktibidad ng bulkan, sinabi ni Grodon na mas mainam kung mayroong programa ang pamahalaan para rito.