Reading Time: 1 minute

Bukod sa Pilipinas, mahigpit na rin ang pagbabantay na ginagawa ng mga otoridad sa South Korea matapos maitala ang panibagong kaso ng African Swine fever (ASF) sa naturang bansa.

Batay sa ulat, ito na ang ikaapat na kaso ng ASF sa South Korea mula ng pumutok ang unang kaso nito noong nakaraang linggo.

Naitala ang bagong ASF case sa isang pig farm na may 1,800 na alagang baboy sa Gimpo City.

Ayon sa Ministry of Agriculture, Food and Rural Affairs nasa 15,000 baboy na ang kanilang na-cull o pinatay.

Nasa 12-milyon naman ang buong industriya ng baboy sa kanilang bansa.

Itinuturing na ikaapat na pinaka-malaking ekonomiya sa Asya ang South Korea.(Reuters)