Binalaan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Carlito Galvez ang mga sundalo na iwasang masangkot sa korupsyon.
Ayon sa bagong AFP chief, hindi siya mag aalinlangan na tanggalin ang mga ito sa serbisyo kapag napatunayan na nasangkot sa katiwalian.
Isa sa limang prayoridad ni Galvez bilang AFP chief ay transparency sa kanilang hanay, good governance, at labanan ang korupsiyon.
Sa isinagawang talk-to-troops ni Galvez noong Lunes na siya ring kauna-unahang flag raising ceremony, kaniyang binigyang-diin na mananagot ang mga opisyal at sundalo na mababahiran ng katiwalian.
Aniya, sa ilalim ng kaniyang liderato ay target niya na hindi masasangkot ang AFP sa korupsyon.
“The President has zero tolerance for corruption. We will have no fear of relieving people who are mediocre and full of anomalies. We will keep the AFP clean, I will not hesitate to relieve any Commander who will be tainted with corruption,†wika ni Lt. Gen. Galvez.
Inatasan din ni Galvez ang Office of the Inspector General na imbestigahan ang mga umano’y anomalya sa paggamit ng AFP resources.
Ito ay para matiyak na nagagamit ang pondo sa tamang paraan.
Nagbabala rin si Galvez sa mga pasaway na mga sundalo at civilian employees.
Bukod kasi sa istrikto si Galvez sa mga “erring personnel,” masigasig din ang heneral na magbigay ng awards and recognition kabilang na ang cash incentives sa mga deserving o karapat-dapat.
Nangako ito na magbibigay ng P10,000 cash incentives sa mga top performing officers and personnel at quarterly ang pag-award dito.
“General Headquarters has given us so much support and leverage to fight the war that we have never fought before. The support was evident in the motivation of our troops who, despite being wounded, were eager to continue fighting. That exemplified the support the GHQ has given us. I would like to take this opportunity to congratulate you (Officers, EP and CE at GHQ) for a job well done,” pahayag ni Galvez.