-- Advertisements --

daza

Naniniwala Northern Samar 1st District Representative Paul Daza na malaking tulong ang bago at sinimpleng adoption process sa mga batang biktima ng pang-aabuso at inabandona.

Ayon kay Cong. Daza, ang bagong guidelines para sa Adoption Law ay magbibigay ng magandang “chances” sa pamilya at mga bata.

Panawagan ni Daza sa mga adoptive parents na panahon na para ikunsidera ang pag-ampon.

Ito’y matapos pormal ng inilunsad ang Omnibus Guidelines on the Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act ang RA 11642 nitong Miyerkules.

Ayon kay Cong. Daza, ng RA 11642 ay nag-uutos na ang proseso ng pag-aampon na hindi kamag-anak, kamag-anak sa loob ng ika-4 na antas ng consanguinity o affinity at mga kaso ng pag-aampon ng nasa hustong gulang ay maging isang administrative proceeding na lamang ngayon.

“Through RA 11642, we are correcting age-old problems in adoption which typically took years to resolve. The previous law, RA 8552 (Domestic Adoption Act of 1998), required a set of procedures while founded on good intents that often lead to emotional and financial strains on parties involved, not to mention clogging of cases in courts,” pahayag ni Cong. Daza.

Ipinunto ni Daza, ang RA 11642 ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mag-isyu ng adoption creeds nang hindi nangangailangan ng judicial procedures na makakatipid sa mga gastos para sa mga nagbabalak na adoptive parents.

Nagbibigay-daan din ito sa mas magandang pagkakataon para sa mga bata na nangangailangan ng pag-aampon at de-clogging sa mga korte na humahawak sa naturang mga kaso.

Ang pag-ampon ay itinuturing ng mga lipunan bilang isang mahalagang mekanismo kung saan ang mga naulila, inabandona, inabuso, o napabayaang mga bata ay maaaring magkaroon ng mas magandang pagkakataon sa buhay.

“Not only are we building better chances for families and children, we are also ensuring clear procedures for helping abused or neglected children. Children in these difficult circumstances need the society’s concerted efforts,” dagdag pa ni Daza.

Kinikilala din ng batas na may mga bata na nakatira sa isang tradisyunal na pamilya na may mga magulang subalit ang mga anak ay nakakaranas ng matinding emosyon at physical pains sa araw araw.

“This legislation is also for them. We do not only wish to match prospective parents with prospective children; we also wish to ensure that all Filipino children are living in homes that are truly safe and loving. We thank Secretary Rex Gatchalian and Undersecretary Janella Ejercito Estrada of the National Authority for Child Care (NACC) for expediting the release of the Omnibus Guidelines,” paliwanag ni Daza.

Sinisiguro din sa batas na ang mga inaampong mga batas ay ligtas at matapang na harapin ang positive at negative impacts ng social media.

“These are important considerations when we deliberated on the law. Through Section 54, we are prohibiting labeling, shaming, bullying, and other discriminatory acts that might be committed against adopted children. We are taking this seriously because we truly understand the long-term effects of bullying and shaming in a world that is sometimes harsh,”pagbibigay-diin ni Cong. Daza.