-- Advertisements --
Kinansela ng Badminton World Federation (BWF) ang kanilang nalalapit na Hong Kong Open tournament dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Ang nasabing torneo na gaganapin sa Nobyembre ay siyang pangatlong pagkakataon na ito ay ang kinansela.
Ang Super 500 tournament ay gaganapin sa Kowloon mula Nobyembre 8-13.
Ayon sa BWF na nakikipag-ugnayan sila sa gobyerno ng Hong Kong para maluwagan ang ilang restrictions.
Ilan sa mga hindi nila nagustuhan ay ang pagkakaroon pa ng quarantine period sa mga dayuhan na mula sa ibang lugar.