Nick Carter
Nick Carter/IG post

Humingi ng tulong mula sa mga awtoridad si Nick Carter na makapagsampa ng temporary restraining order laban sa kapatid nitong si Aaron Carter dahil umano sa nakakaalarmang pag-uugali nito at sa pambabantang pagpatay nito sa kaniyang buntis na asawa na si Lauren Carter.

Sa post ni Nick sa Twitter, mahal naman nila ang kanilang kapatid ngunit kinaikailangan raw ni Aaron ng maayos na treatment bago pa ito makapanakit ng ibang tao.

https://twitter.com/nickcarter/status/1174103645656363009/photo/1

“We love our brother and truly hope he gets the proper treatment he needs before any harm come to himself or anyone else.” saad sa post ni Nick.

Makalipas lang ang ilang minuto, agad namang rumesponde si Aaron sa public statement ng kaniyang kapatid. “So my brother just got a restraining order against me. And I was just served lol.”

Aaron Carter
Aaron Carter/ IG post

Dagdag pa ng dating child singer, mula bata pa lamang ito ay nabubully na siya. “‚Ķnick you bullied me my whole life. And tortured me as a child. And everyone knows it.”

Ayon sa nasabing order, kailangan ay 100 metro ang distansiya ni Aaron kay Nick at sa pamilya nito.

Noong nakaraang buwan ay kumuha rin ng restraining order si Aaron Carter laban naman sa kaniyang ex-girlfriend na si Lina Valentina dahil raw sa pambabanta nito na siya ay sasaksakin. Nakaranas rin siya ng pang-aabuso sa dati niyang karelasyon.