-- Advertisements --

Pormal ng naiturn-over kay Richard Bachman ang pamumuno ng Philippine Sports Commission.

Isinagawa ang paglilipat ng liderato sa isang simpleng sermonya sa Rizal Memorial Sports Complex kung saan pinangunahan ni outgoing PSC chairm Noli Eala ang paglilipat ng liderato ng PSC.

Pinasalamatan ni Bachman si Eala bilang naging 11th chairman ng commission at siya ang naging susi sa pagbabalik ng Batang Pinoy National Championship.

Magugunitang si Eala ay namuno sa PSC mula Agosto 30 at pinalitan siya ni Bachman noong Disyembre 28.

Pagtitiyak naman ni Bachman na mas lalo niyang pagagandahin ang programa ng PSC at hindi na maantala ang mga allowances ng mga atleta ng bansa.