-- Advertisements --
LAOAG CITY – Matagumpay na nahuli ang babaeng wanted person dito sa lungsod ng Laoag dahil sa kasong paglabag sa RA1602 o Illegal Gambling Law.
Ang naturang babae ay 31-anyos at residente sa Barangay 1 dito sa lungsod.
Ayon kay Police Lt. Col. Joemar Labiano, chief of police ng PNP-Laoag, nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Christy Ann Queja-Rivera ng MTCC Branch 1 dito sa lungsod ng Laoag.
Aabot naman sa P30,000 ang inirekomendang piyansa nito para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nabatid na ang nahuli ay isa sa mga naglaro ng iligal na sugal sa isang lamay.