-- Advertisements --

Sinampahan na ng kaso ang isang ginanng na nanampal at nagmura sa mga kapulisan ng Las Piñas City.

Sinabi ni Police Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas City police, nagresponde lamang ang mga kapulisan dahil sa pagwawala ni Cheryl Hawkins Bautista, isang US citizen na nakatira sa Bacoor Cavite matapos na hindi tanggapin ang kaniyang credit card sa restaurant na kinainan nito.

Pagdating ng mga kapulisan ay pinagmumura at sinampal pa niya ang mga kapulisan.

Nagpositibo rin ang inireklamo sa pag-inom ng nakakalasing inumin.