-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ni Yoshimi Yamashita matapos na mapili bilang kauna-unahang babaeng professional football referee ng Japan.

Ang 36-anyos na si Yamashita ay napiling magiging referee ng World Cup na gaganapin sa Qatar sa buwan ng Nobyembre.

Kasama nitong napili sina Stephanie Frappart ng France at Salima Mukansanga ng Rwanda.

sa kasalukuyan kasi ay naka-kontrata ito sa Japan Football Association at nagtuturo ito sa paaralan.

Siya rin ang unang babae na humawak ng football game ng mga kalalakihan.

Ang tatlong referee ay napili sa mga kabuuang 36 na referees para sa World Cup sa listahan na mayroong 69 na assistants.