-- Advertisements --

bulacan1

Arestado ang isang babaeng drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 3 sa Marilao, Bulacan kung saan nasa P3.4 million halaga ng iligal na droga ang nasabat sa kaniyang posisyon.

Kinilala PDEA-3 Regional Director Christian Frivaldo ang naarestong tulak ng droga na si Mary Grace Sison, 37-anyos, residente ng bagong Silang, Caloocan City.

Naaresto ang suspek matapos bentahan nito ng iligal na droga ang isang agent ng PDEA sa may Public Market Harmony Hills, Brgy. Loma De Gato, Marilao, Bulacan.

Ayon kay Frivaldo halos dalawang linggo inabot bago nakumbinsi si Sison para bentahan sila ng illegal na droga.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang drug suspek na si Sison.

Inaalam na rin ng PDEA, kung saan nito kinukuha ang kaniyang mga ibinibentang illegal drugs.