-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang isang babae matapos na pagtatagain sa loob ng isang kainan sa Zone 3, Barangay New San Roque, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Jonalyn Bugtong, 30-anyos, residente ng Zone 5, Barangay New San Roque sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang kumakain ang bikitma kasama ang kapatid nito ng bigla na lamang dumating ang suspek na kinilalang si Jesseca Ebe, 26-anyos, residente ng Zone 2, Salvacion, Tigaon at dito na pinagtataga ng suspek ang biktima sa ulo nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, agad namang dinala sa ospital ang biktima.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Pili Municipal Police Station ang naturang suspek para sa karampatang disposisyon.