KORONADAL CITY – Naghihinagpis ang pamilya ng isang 20 anyos na dalaga sa bayan ng Tupi, South Cotabato matapos na ito ay nagpakatiwakal.

Kinilala ang biktima na si Rose Marie Sila, isang estudyante at residente ng Prk. 2 Sitio Atbangan , Brgy. Tubeng sa nasabing bayan.

Ayon kay Berting Sila, step-father ng biktima, nakita na lamang umano nila kaumagahan na nakabitay na si Rose sa kusina ng kanilang pamamahay gamit ang tiebacks.

Ibinahagi nito na nagkaroon umano ng di pagkakaunawaan at pagtatalo ang magkakapatid bago pa nangyari ang insidente.

Dagdag pa ni Berting, na huminto ang biktima sa pag-aral ng kaniyang module learning bago paman ang insidente sa kadahilanan na nahihirapan na ito at gusto nalamang na makapag abroad dahil sa hirap ng buhay.

Samantala, wala namang nakitang foul play ang mga kapulisan sa nasabing insidente.