-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Binawian na ng buhay ang isang babae matapos na pagtatagain ng sariling kaibigan sa Brgy. Bulod, San Pascual, Masbate.
Napag-alamang nasa inuman ang biktimang si Ana Lou Langkawon kasama ang suspek na si Dennis Abandol nang mangyari ang insidente.
Nagkasagutan muna umano ang mga ito hanggang sa mauwi sa pananaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Victor Patropez, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Pascual, sa highway na nila narespondehan ang biktima at agad namang dinala sa ospital.
Ang malalang taga sa batok ang dahilan ng pagkamatay ng biktima ayon kay Partopez.
Na-inquest na rin sa kasalukuyan ang suspek na nasa kamay na ng mga otoridad para sa karampatang disposisyon.