-- Advertisements --
Hinoldap ng isang babae ang isang bangko sa Beirut, Lebanon matapos na hindi payagang ilabas ang pera nito.
Hindi kasi pinayagan ng Blom bank na mailabas ng suspek na si Sally Hafez ang pera nito na umaabot sa $13,000.
Gagamitin sana kasi aniya nito para sa pagpapa-ospital ng kaniyang kapatid na babae.
Ipinagbabawal kasi ng mga bangko sa Lebanon na mailabas ng mga depositors ang lahat ng kanilang pera dahil sa nararanasang krisis sa ekonomiya.
Naging kalmado na lamang ang lahat ng dumating ang kapulisan kung saan iginiit ni Hafez na ipinapairal lamang niya ang kaniyang karapatan sa kaniyang pera sa bangko.