NAGA CITY – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Susan Acuña Constantino alyas Blessie, 53-anyos, residente ng Purok Sariling Atin, Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naglalakad sa loob ng satellite market nang sundan at barilin ito ng dalawang beses sa ulo gamit ang cal .45 na baril ng isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Dahil dito, binawian ng buhay si Constantino habang agad namang tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo kasama ang isa pang katao.

Sa inisyal na imbestgasyon ng mga otoridad, nabatid na nag-file ang naturang biktima ng libel case sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 sa isang Lilia Ellorig ng nasabi ring lugar.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabng krimen.