kambal-sa-basilan-2ZAMBOANGA CITY – Ligtas na nanganak ng kambal ang isang babae habang sakay ng barko sa karagatan ng Basilan kaninang hapon.

Nabatid na nagmula ang fast craft ng Weesam Express sa daungan ng Isabela City sa Basilan papunta sa Zamboanga City.

Nabatid na bigla na lamang nagreklamo ang babae na sumasakit na ang kanyang tiyan at sinabing manganganak na ito kaya nagtulungan ang mga pasaheto at mga crew ng barko para ma-asistehan ang babae.

Napag-alaman na malulusog naman ang dalawang sanggol na kaagad ding idiniretso sa ospital kasama ng kanilang ina pagdating sa daungan ng Zamboanga City.

Kung ibabase sa mga paniniwala ng marami, suwerte para sa isang sasakyan o anumang lugar o pasilidad ang hindi inaasahang panganganak ng isang babae.