-- Advertisements --
Kahit na bigong makapasok sa semifinals ng Asean Football Federation (AFF) Mitsubishi Electric Cup ang Philippine Azkals ay titiyakin pa rin nilang tatalunin ang Indonesia.
Makakaharap kasi nila ng Indonesia sa Enero 2 na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.
Natapos kasi sa 1-1 draw ang laban ng Thailand at Indonesia na kapwa nasa Group A kung saan mayroon silang parehas na tig-pitong puntos.
Ito na ang pangatlong beses sa huling apat na edisyon ng AFF Cup na hindi nakapasok sa group stage ang Azkals.










