-- Advertisements --
May mga ilang tune-up games ang Philippine Azkals ngayong buwan ng Hunyo bago ang kanilang pagsabak sa FIFA World Cup/ AFC Asian Cup joint preliminary qualifiers ngayong taon.
Ilan sa mga makakaharap nila sa tune-up games na gagawin sa Rizal Memorial Stadium ay ang Nepal at Taiwan.
Unang makakaharap nila ang Nepal a Hunyo 15 at ang Chinese-Taipei naman sa Hunyo 19.
Target ng Azkals na ranked 136 na mapalakas ang kanilang paghahanda para sa mga international tournaments.
Ang Nepal ay ranked 176 habang ranked 156 naman ang Chinese Taipei sa pinahuling world ranking ng FIFA.
Magugunitang noong Marso ay nagsagawa ng friendly match ang Azkals sa Middle East laban sa Kuwait at Jordan na kapwa naman silang nabigo.










