-- Advertisements --

Lumasap nang matinding pagkatalo ang Philippine Azkals matapos na tambakan ng Palestine, 4-0, sa ginanap na final group round game sa MFF Football Centre sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Dahil dito, lumiit na ang tiyansa ng mga Pinoy na mag-qualifying pa sa prestihiyosong 2023 AFC Asian Cup.

Ang Palestine, na ranked 100th sa buong mundo ay nagawang makompleto ang pag-sweep sa kanilang mga laro sa Group B.

Bilang group winners nasungkit na ng Palestine ang spot para sa continental tournament sa susunod na taon.

Makasaysayan ang nagawa ng Palestine dahil ito na ang ikatlong beses na umusad sila sa AFC Asian Cup sa ikatlong pagkakataon.

Nagtapos naman ang kampanya ng Azkals sa group stages na merong isang panalo, isang draw, at isang talo para sa kabuuang apat na puntos.

Sinasabing napakalayo na ng tiyansa na mag-qualify pa ang Pilipinas sa Asian Cup bilang isa sa limang best second-ranked teams.

Nakadepende na lamang ang kapalaran ngayon ng Team Pilipinas sa resulta din ng laro ng iba pang mga qualifiers.