-- Advertisements --

Sabik na ang Philippine Azkals na makaharap ang Vietnam bilang bahagi ng second round ng Asian Qualifiers at 2026 FIFA World Cup Qualifiers na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.

Maituturing ng Philippine Football Federation na isang maagang pamasko sa kanila kapag napuno ang Rizal Memorial Stadium na mayroong kapasidad ng 10,000.

Sa ngayong aniya ay mahigit 60 percent na ang nakabili ng tickets.

Nanawagan din si Azkals team captain Neil Etheridge sa mga Pinoy football fans na suportahan sila.

Pagtitiyak pa nito na gagawin nila ang lahat ng makakaya para maipanalo ang mga laban.

Matapos kasi makaharap ng Azkals ang Vietnam ay isusunod ang Indonesia sa November 21 sa parehas din na lugar.

Kasama nila sa Group F ang Iraq para sa 9-group qualification round.

Ang top two teams kasi sa bawat group ay aabanse sa ikatlong round ng World Cup qualifiers at mag-qualify sa 2027 AFC Asian Cup.