-- Advertisements --

May mga gagawing pagbabago ang Philippine Azkals matapos na bigo silang makasali sa AFC Asian Cup sa susunod na taon.

Sinabi ni Azkals coach Thomas Dooley, ituturing na lamang nila na isang aral ang kanilang pagkatalo sa qualifying match.

Ipinakita lamang ng Azkals ang respeto sa mga may mataas na ranking.

Magugunitang kahit na pumangalawa ang Azkals sa Group B ay hindi ito nakapasok dahil sa mayroon lamang na apat na puntos ito sa tatlong laro.

Isa sa naging malaking susi ng hindi nila pagsali ay ang 4-0 na pagkatalo sa Palestine.

Dahil dito ay nasa unang puwesto ang Palestine sa Group B na mayroong 3-0 record.

Ilan sa mga nanguna sa mga grupo ay ang Jordan, Uzbekistan, India, Bahrain at Tajikistan.