Isang dating miyembro ng Philippine Army ang naaresto sa ikinasang entrapment operation ng CIDG-NCR (Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region) sa parking lot ng Mall of Asia (MOA) sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Wilson Kho Bolante, 39-anyos.

Ayon sa CIDG, dinakip si Bolante matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na baril sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa kanya ang dalawang M-4 rifle at mga magazine nito.

Nakuha rin sa kanya ang P500,000 na halaga ng “boodle money.”

Ayon pa sa CIDG, parokyano ni Bolante ang mga dati ring sundalo at pulis na nasasangkot sa gun for hire activities.

Huling naitalaga ang AWOL (absence without leave) na sundalo sa 9th Infantry Division na nakabase sa Sorsogon.