-- Advertisements --

Awayan sa pagitan ng Pilipinas at China ukol sa West Philippine Sea, kayang resolbahin nang walang ‘third partry’ – Chinese official
Loops: WPS, Counselor Zhou Li of Chinese Ministry of Foreign Affairs,

Naniniwala ang isang Chinese Foreign Ministry Official na mareresolba ng Pilipinas at ng China ang kanilang giriian sa West Philippine Sea.

Gayonpaman, ibinabala nito na ang posibleng pagpasok ng ‘third party’ ay posibleng magdadala sa nasabing rehiyon sa ilalim ng ‘sea of war’

Ayon kay Counselor Zhou Li ng Ministry of Foreign Affairs (MoFA) ng China, kaya na ng pamahalaan ng Pilipinas at ng China na resolbahin ang sarili nilang claims sa Wet Phil Sea, nang hindi pumapasok dito ang isa pang party.

Sa likod nito, hindi naman pinangalanan ng Chinese Official kung sinong third party ang kanyang tinutukoy.

Ayon kay Zhou, ang pangunahing inaasam ngayon sa West Philippine Sea ay ang katatagan, kapayapaan, at kooperasyon sa pagitan ng mga claimants, nang hindi pinapakialaman ng iba pang mga partido.

Matagal na aniyang ginagamit ng China ang mapayapang paraan ng negosasyon, at kakayanin umanong gamitin ito para maresolba ang problema sa nasabing karagatan.

Sa kasalukuyan, ilang mga bansa sa Asiya ang naghahabol sa West Philippine Sea na kinabibilangan ng Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam, China, at ang Pilipinas.

Maalalang kamakailan lamang ay inulat ng Philippine Coast Guard ang muling pagharang na ginawa ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng bansa na magsasagawa sana ng resupply mission sa mga tropa ng pamahalaan na nakadeploy sa mga isla sa West Philippine Sea.