-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng singer na si Avril Lavigne na ito ay engaged na sa kapwa pop-punk rocker na si Mod Sun.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng singer ang larawan ng proposal na isinagawa sa sikat na Eiffel Tower sa Paris.
Mayroon din kasamang tula ang nasabing larawan.
Ito na ang pangatlong kasal ng singer k ung saan unang ikinasal ito sa Sum 41 frontman na si Deryck Whibley mula 2006 hanggang 2009 at kay Chad Kroeger ng Nickelback ng dalawang taon na nagkahiwalayan niya noong 2015.