-- Advertisements --

Bahagyang nag-improve o tumaas ang average life expectancy sa Pilipinas ngayong 2024 base sa pag-aaral mula sa United Nations (UN).

Ang life expectancy ay bilang ng taon na inaasahang mabubuhay ang isang indibidwal.

Ayon sa UN, ang average life expectancy sa bansa ay nasa 71.79 years ngayong 2024, bahagya itong tumaas kumpara sa 71.41 years noong 2021.

Kung ikukumpara naman sa ibang bansa sa Asya, mas mataas ang average life expectancy sa Hongkong at Japan na nasa 85 years habang sa Central African Republic ay nasa 54 years.