-- Advertisements --
Umakyat ng 7% o katumbas ng 6,247 ang average number ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas kumpara sa nakalipas na linggo.
Sa kanilang latest report, sinabi ng OCTA na ang average positivity rate sa bansa ay 14% na mas mataas kumpara sa nakalipas na linggo.
Kahapon, 8,562 na bagong COVID-19 cases ang naitala sa bansa, pinakamataas magmula noong Mayo 28.
Samantala, sa National Capital Region, 1,155 ang 7-day average ngayong linggo.
Ito ay 35% na mas mataas din kung ikukumpara sa average rate noong nakaraang linggo.
Sinabi rin ng OCTA na ang positivity rate sa NCR ay umakyat sa 9%.
















