Ipatutupad ng Singapore ang mga bagong batas na naglalayong protektahan ang mga mamamayan nito laban sa online sexual abuse, kabilang ang paggamit ng artificial intelligence (AI) para gumawa ng malalaswang larawan nang walang pahintulot.
Sa ilalim ng kanilang bagong batas, ituturing nang krimen ang paggawa ng intimate images, kabilang ang AI-generated materials, nang walang consent.
Maaaring makulong nang hanggang dalawang taon, pagmultahin.
Mas mabigat naman ang parusa kung menor de edad na wala pang 14-anyos ang biktima.
Maaari na ring kasuhan sa Singapore ang mga suspek na nanggroom ng mga menor de edad sa ibang bansa at pagkatapos ay gumawa ng sexual offense, kung ang suspek o biktima ay bumiyahe mula Singapore bago mangyari ang krimen.
Para sa mga biktimang wala pang 14-anyos, maaaring umabot sa pitong taon ang pagkakakulong ng mga mapatutunayang nag-groom at nang-abuso sa mga bata sa ibang bansa.
Ayon sa Singapore Ministry of Home Affairs, layunin ng batas na mapadali ang pagpapatupad ng mga batas laban sa online sexual abuse at mabawasan ang paggawa at pagpapakalat ng AI-generated sexual materials.
















