-- Advertisements --
comelec chairman george garcia

Inihayag ng Commission on Elections na mananatiling manual ang halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa buong bansa sa Oktubre 30 ng kasalukuyang taon maliban na lamang sa ilang lugar sa Cavite at Quezon city.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, magsasagawa ng automated elections ang 2 barangay sa Dasmariñas, Cavite at buong ikaanim na distrito ng Quezon city.

Bagamat sinabi din ng poll body chairman na walang pondo na ibinigay para sa pagsasagawa ng automated election para sa BSKE sa nasabing mga lugar ngayong taon.

Nakatitiyak naman aniya ito na magiging ganap ng automated ang magiging halalan sa 2025.

Umaasa din ang Comelec Chairman na makakabili na ng libu-libong bagong vote counting machines bago ang midterm elections sa 2025 upang magamit para sa susunod na BSKE.

Ayon pa sa opisyal nakaimprinta na sila ng lahat ng balota na gagamitin sa halalan at pinaplantsa na lamang ang mga isyu sa land dispute sa Taguig at Makati