-- Advertisements --
Kinansela ngayong taon ang taunang Australian Grand Prix dahil sa coronavirus pandemic.
Nakatakda sana itong ganapin sa Nobyembre 19-21.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na kinansela ang nasabing torneo na unang nakansela noong nakaraang taon.
Kabilang din na nakansela ay ang Australian round ng MotoGP world championship na nakatakda sa Oktubre 24.
Sinabi ni Australian Grand Prix Corporation chairman Paul Little, na labis silang nadismaya sa pagkansela ng nasabing karera.
Isa kasing itinuturong dahilan ay ang mahigpit na border control na ipinapatupad sa Australia.