LEGAZPICITY- Isinasapinal na ngayon ng Australian government ang pasya kung pagbibigyan nito ang hiling ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na pagbibigay ng military training ng bansa sa Ukraine forces.
Ito ay kaugnay pa rin ng nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Bombo International Correspondent Denmark Suede sa ulat sa Bombo Radyo Legazpi, siniguro ni Australian Prime Minister Anthony Albanese na isasa-alang alang ang lahat ng factors bago magpalabas ng desisyon sa tulong na rin ng lahat ng nasa federal government.
Aniya, base sa kasalukuyang sitwasyon ay posibleng pagbigyan ng PM Albanese ang kahilingan ni President Zelenskyy kasunod ng patuloy na pagkondena nito sa mga hakbang ng Russia.
Maaalala na kilala rin ang Australian Army sa pagbibigay ng kaparehong mga training sa Iraq sa nakalipas na mga panahon.
Samantala, patuloy naman ang pagpapadala ng Australia ng pinansyal na tulong sa pamahalaan ng Ukraine upang matustusan ang mga pangangailangan nito sa patuloy na pagprotekta sa kanilang teritoryo.