-- Advertisements --
Nakuha ng Australia ng kampeonato sa FIBA Asia Cup matapos talunin ang Lebanon 75-73 sa laro na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
Sa ilang minutong natitira sa laro ay inulan ng Australia ng mga puntos.
Nanguna sa panalo ng Australia si NBA veteran Thon Maker na nagtala ng 14 points, walong rebounds, dalawang steals at tatlong blocks.
Nag-ambag naman ng 12 points si Mitch Carron at 10 points naman kay Tyrese Proctors.
Sa second quarter ay umabot pa sa 16 points ang kalamangan ng Australian Boomers hanggang nahabol ito ng Lebanon.
Sa pangatlong puwesto naman ay nakuha ng New Zealand ang panalo ng talunin nila ang Jordan 83-75.