Todo pasasalamat ang pamahalaan sa ibinigay ng bansang Australia na 35.9 million Australian dollars o katumbas ng P1.3 billion para suportahan ang Manila sa vaccine rollout.
Karamihan dito ay para sa technical support at capacity-building efforts ng bansa sa loob ng dalawang taon.
Noong nakaraang buwan nang ianuninsiyo ang naturang tulong sa pagpupulong ng senior Philippine government officials at ni Australian Ambassador Steven Robinson.
Bahagi ito ng Canberra’s 523-million-Australian-dollar Regional Vaccine Access Initiative na layong matulungan ang mabilis at ligtas na vaccination sa Pacific at Southeast Asia.
Kung maalala ang Australia ay isa sa mga malaki ang kontribusyon sa COVAX Facility na idineliver noong Huwebes ng gabi na mayroong 400,000 doses ng AstraZeneca vaccine sa Manila.
Isa si Ambassador Robinson sa mga nakasaksisa historic arrival ng mga bakuna kasama ang ilang European envoys na nagrerepresenta sa COVAX’s donor countries.
Sa isang statement, sinabi ni Robinson na ang hakbang ng Australia ay para siguruhing ang Pilipinas ay isa sa mga bansang eligible sa COVAX-Advance Market Commitment (AMC).