-- Advertisements --
Aasahan pa rin ang malawakang pagbuhos ng ulan sa kabila ng paghina ng bagyong Auring bilang low pressure area (LPA) na lamang.
Huli itong namataan sa may Rapu-Rapu, Albay.
Inaasahan itong uusad nang pahilagang kanluran, habang tinatahak ang Bicol Region, southern Quezon, Marinduque, at northern Mindoro sa susunod na 24 oras.
Tinatayang malulusaw na ito habang nasa lupa.
Sa kabila ng pagiging LPA, inaalerto pa rin ang low lying areas sa posibilidad ng baha at pagguho ng lupa.
Kabilang na rito ang Bicol Region, Quezon, Marinduque at Romblon, habang may bahagyang pag-ulan naman sa Aurora, Rizal, Laguna, Northern Samar at MIMAROPA.