-- Advertisements --
Sa Northern Samar nag-landfall ng bagyong Auring kaninang alas-9:00 ng umaga.
Ayon sa Pagasa, ang pagbabago ng track ay bunsod ng mahinang sirkulasyon nito.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 30 km sa hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Signal No. 1:
Sorsogon, Masbate, kasama ang Ticao at Burias Islands, Albay, Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran