Isinusulong ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 midterm elections ang audio technology para sa mga botante na may kapansanan sa paningin.
Ito ay kabilang sa ilang mga innovation ng mga bagong automated counting machine.
Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, ito ay makakatulong para sa mga may kapansanan na makaboto ng mas komportable at mas maayos.
Ang pinakahuling impormasyon mula sa Department of Health ay nagbubunyag na ang bilang ng mga bulag sa bansa ay 592,000 mula sa 102 milyong kabuuang populasyon noong 2011.
Ito rin ay nagtala ng tinatayang dalawang milyong katao na may katamtaman hanggang malubhang kapansanan sa paningin.
Ang audio technology ay isa sa ilang mga upgrade na tinitingnan ng Comelec bilang bahagi ng kanilang Fully Automated System with Transparency Audit and Count (FASTrAC) program para matugunan ang mga isyu sa transparency sa 2025 elections.
Layunin din ng Comelec na gamitin ang touch screen technology para sa mga botante sa ibang bansa sa 2025 elections, at umaasa na mapalawig ang teknolohiyang ito sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa 2026.